BOC

P16.8M kush itinago sa Balikbayan box

208 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang Balikbayan box na naglalaman umano ng P16.8 milyong halaga ng kush (high-grade marijuana).

Dumating umano ang package sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City. Galing umano ito sa California, USA.

Nang sumailaim sa x-ray screening ay nakita umano ang kahina-hinalang laman nito kaya isinalang sa pisikal na pagsusuri at doon nakita ang 12,000 gramo ng kush.

Naaresto naman sa isang controlled delivery operation ang tumanggap ng package sa Antipolo City noong Pebrero 11, 2023.

Ang tumanggap ng package ay nasa kustodiya ng PDEA at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.