2 kabataan nalunod sa QC waterway; 1 namatay, 1 hinahanap pa

117 Views

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation sa isa sa dalawang kabataan na nalunod sa daanan ng tubig sa Quezon City.

Nasagip naman ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang isa sa dalawang kabataan.

Batay sa inisyal na report ng QCDRRMC, bandang 12:32 ng tanghali (February 7) nang itawag sa kanila na may dalawang kabataan ang nalunod sa waterway sa Sitio Bakal, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang QCDRRMC at BFP hanggang sa matagpuan ang naghihingalo nang 13-anyos na kabataan lalaki bandang 1:19 ng hapon, kaya agad na isugod sa kapalit na ospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan.

Samantala, patuloy pang pinaghahanap ang 15-anyos na kasamang nalunod ng 13-anyos sa nasabing lugar.