Holdaper nanghablot ng baril sa loob ng presinto, patay

149 Views

NASAWI ang isang 33-anyos na lalaki na nanghablot umano ng baril ng pulis habang nasa loob ng presinto sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jose Lemery Palmares Jr., residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nasangkot umano ang suspek sa isang holdapan alas-4:31 ng hapon noong Pebrero 4 sa Balai Pandesal/Soya Bean Outlet located at Congressional Extension, Brgy. Culiat, Quezon City.

Nagsagawa umano ng follow-up operation ang pulisya alas-5:10 ng umaga kinabukasan sa Sitio Balud, Congressional Avenue Extension, Brgy. Culiat, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Habang nasa loob ng Police Community Precinct 1 tinangka umano ng suspek na kunin ang baril ng imbestigador na si PSSg Juderick M. Latao. Isang pulis umano ang tulong kay Latao at binaril ang suspek.

Dinala ang suspek sa pagamutan subalit binawian ito ng buhay habang nasa daan.