Calendar
Pagkakapasa sa second reading ng Magna Carta for Filipino Seafarers ikinagalak ng OFW Party List Group
IKINAGALAK ngayon ng Overseas Filipino Workers (OFW) Party List Group ang pagkakapasa sa second reading ng isinulong nitong House Bill No. 7325 o mas kilala bilang “Magna of Filipino Seafarers” na naglalayong kilalanin at protektahan ang karapatan at kagalingan ng mga Pilipinong Tripulante.
Si OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang principal author ng HB No. 7325. Kung saan, siya rin ang nag-deliver ng “sponsorship speech” para sa nasabing panukalang batas. Habang si KABAYAN Party List Congressman Ron P. Kasalo, Chairperson ng Committee on Overseas Workers Affairs, naman ang dumepensa nito sa Plenaryo ng Kongreso.
Sinabi ni Magsino na pangunahing layunin ng HB No. 7325 na kilalanin at protektahan ang karapatan at kagalingan ng mga Filipino Seafarers. Kabilang na dito ang pagkilala sa kanilang kontribusyon at natatanging na papel na kanilang ginagampanan para sa economic development ng bansa.
Ipinaliwanag pa ni Magsino na nakapaloob din sa ilang probisyon ng HB No. 7325 ang pagtugon o pag-address sa ilang issues na kumukulapol sa international at domestic seafaring industries. Kung saan, ang ilan sa mga Pilipinong Tripulante ay nahaharap sa mga peligro sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Magsino, tinitiyak nito na mabibigyan ng karampatang proteksiyon ang mga Filipino Seafarers katulad ng pagkakaroon ng maayos na lugar para sila makapag-trabaho o “proper work condition”, pantay at patas na employment terms at sapat na career opportunity.
“The Magna Carta for Seafarers also requires maritime higher education institutions to provide shipboard training to their cadets using their own ships or in agreement with manning agencies or international shipping companies. This provision aims to reinforce the competencies of our seafarers,” sabi ni Magsino.