BBM1

PBBM ikinatuwa pagtatayo ng dalawang hyperscale data center sa Luzon

200 Views

IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong pagtatayo ng hyperscale data centers sa Luzon ng kompanyang ENDEC Development Corp. at Diode Ventures, LLC.

Si Pangulong Marcos ay binigyan ng briefing ng mga kompanya kaugnay ng kanilang plano sa isang pagpupulong sa Malacañang. Itatayo umano ang mga ito sa Tarlac at New Clark City.

“This is important for us. We’re left behind when it comes to digitalization. That’s why the push for data centers, fiber optics and satellite is one of our priorities,” President Marcos said, noting that the projects would enable the Philippines to catch up with other countries in terms of digitalization,” ani Pangulong Marcos.

“We are really pushing for digitalization. Thank you for your continuing interest in the Philippines,” dagdag pa nito.

Target ng ENDEC na simulan ang proyekto sa unang bahagi ng 2024. Nakikipag-usap din umano ang kompanya sa isang lokal na Renewable Energy (RE) company para sa kakailanganin nilang suplay ng kuryente.

Plano ng kompanya na kunin ang lahat ng 700 MW na kakailanganin nitong kuryente kada buwan sa RE.

Ang hyperscale data center ay isang pasilidad na mahalaga para sa mga malalaking data-producing company gaya ng Google, Amazon, Facebook at Microsoft.

Ang hyperscale data centers ay mas malaki kumpara sa mga tradisyonal na data center. Mahigit sa 5,000 servers mayroon ito.

Ang ENDECGROUP, Inc. at Diode Ventures, LLC ay kasama sa mga nakausap ni Pangulong Marcos ng bumisita ito sa New York noong Setyembre.