GMA

E-Congress pormal nang inilunsad ng Kamara at Senado

Mar Rodriguez Mar 10, 2023
170 Views

PORMAL nang inilunsad ng Kamara de Representantes at Senado ang “e-Congress”. Isang “digital legislative management system” na naglalayong pabilisin ang trabaho ng legislative secretariat at gawing mas accessible sa publiko ang lahat ng impormasyon kaugnay sa Kongreso at Senado.

Ang paglulunsad ng “e-Congress” ay pinangunahan ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 2nd Dist. Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, dating Pangulo, na kumatawan kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para sa panig ng Kongreso at Senate President Juan Miguel Zubiri para sa Senado.

Sina House Secretary-General Reginald Velasco at Senate Secretary-General Renato Bantug, Jr. ang lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) bilang isang kasunduan sa pagitan ng Kamara at Senado hinggil sa pagsasanib puwersa at cooperation ng dalawang Kapulungan sa pamamagitan ng “e-Congress”.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Speaker Romualdez na ang “e-Congress” ay tugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panawagan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na magkaroon ng digitalization, harmonization at pag-iisa ng mga records at ransaksiyon ng gobyerno.

“It is our vision to make e-Congress a key contributor in modernizing our core legislative processes towards a people-centered legislative governance. And in enhancing our adherence to the democratic principles of transparency, accountability and responsiveness,” ang mensahe ni Speaker Romualdez.

Naniniwala naman si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na malaking tulong para sa kanilang mga mambabatas ang proyektong “e-Congress”. Sapagkat maaari ng ma=access ng publiko ang lahat ng impormasyon patungkol sa Kamara.

Ipinaliwanag ni Madrona na sa pamamagitan ng “e-Congress ay makikita mismo ng mamamayang Pilipino na mayroong ginagawa ang Kongreso para mai-angat kalagayan ng bansa partikular na sa pagsusulong ng mga panukalang batas para mapabuti ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ni Madrona na mismong ang publiko na ang magsisilbing saksi para mapatunayan na nagta-trabaho ang mga kongresista. Taliwas sa mga nagsusulputang agam-agam na wala umanong ginagawa ang mga mababatas kundi ang magpawardi-wardi lamang sa Kamara.

“Sa pamamagitan nitong “e-Congress. Makikita mismo ng publiko na nagta-trabaho talaga kaming mga congressman para din maliwagan ang msamang impression sa amin na wala daw kaming ginagawa. Kaya nagpapasalamat ako kay Speaker Martin na mayroong ganitong project,” paliwanag ni Madrona.