Calendar
Rubio inilatag pagbabago sa BOC, mga top importer noong 2022 kinilala
KINILALA ng Bureau of Customs (BOC ang mga top importer ng bansa noong 2022 sa isinagawang Stakeholders’ Night.
Kinuha rin ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang pagkakataon upang ipakita ang mga plano at programa ng ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Rubio ang kanyang mga programa ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang digitalization ng mga proseso sa BOC upang ito ay bumilis, abutin at kung kakayanin ay lagpasan pa ang target na koleksyon, gawing simple at ligtas ang mga proseso ng pangangalakal, pagsugpo sa smuggling, at pagtutok at pagpapaganda ng kalagayan ng mga empleyado ng ahensya.
“The Five-Point Priority Program is the testament of our commitment to improving efficiency, upgrading systems and processes, and promoting integrity and professionalism,” sabi ni Commissioner Rubio.
Dumalo sa pagtitipon si Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na pumuri sa presentasyon ni Rubio.
“I believe Commissioner Rubio has perfectly captured in his presentation the depth and breadth of the Bureau’s achievements, plans, and programs to help us sustain these gains,” sabi ni Diokno.
“I challenge the Bureau of Customs to set a fresh vision and even loftier targets. I believe that you have what it takes to become a modern and world-class institution,” dagdag pa ng kalihim.
Inanunsyo ng BOC ang pagtatayo ng isang Advisory Council kung saan mapag-uusapan ang mga rekomendasyon at puna upang makagawa ng angkop na pagbabago sa mga polisiya.
“We believe that by bringing together various stakeholders to form an industry-wide advisory council, we will be able to develop even more relevant policies that respond to our present needs,” sabi ni Rubio.
Ang mga top importer para sa 2022 ay ang Petron Corporation, Pilipinas Shell Petroleum Corp., Toyota Motor Philippines Corp., Unioil Petroleum Philippines Inc., at Seaoil Philippines Inc., at marami pang iba.
Mula Enero 1 hanggang Marso 13, 2023 ay nakakolekta na ang BOC ng P166.973 bilyon, lagpas sa target nitong P153 bilyon.