Kelot kulong sa panghahalay

72 Views

NAARESTO ng pulis ang isa sa dalawang lalaki na nanggahasa umano sa kanilang kainuman sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Larry Barcelon, 20, at residente ng Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang umano’y kasabwat nitong si Christian Franz Magracia, 21-taong gulang at residente ng Brgy. Quirino 3-A, Project 3, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, inimbita umano ng kapatid ni Barcelon ang biktima sa isang inuman sa kanilang bahay.

Nang malasing ay ipinasok umano ng mga suspek ang biktima sa loob ng bahay at inihiga ito sa tabi ng kapatid ni Barcelon.

Humiga umano si Margacia sa gitna ng dalawang babae at hinawakan umano nito ang biktima sa dibdib. Tinangka umano ng biktima na pigilan si Margacia.

Lumabas umano si Margacia at pagbalik ay kasama na nito si Barcelon. Nagtulong umano ang dalawa na ilipat ang biktima sa kabilang kuwarto kung saan nangyari ang panggagahasa.

Humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Barcelon.