Karera

Rematch, inaabangan ng bayang karerista

Ed Andaya Feb 20, 2022
341 Views

MAGANDANG balita para sa bayang karerista.

Ang pinakahihintay na P2.5-million 2022 Philracom Commissioners’ Cup, na tatampukan ng mga piling kabayo sa bansa, ay sisipa ngayon sa San Lazaro Business at Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pangungunahan ni Sky Shot nina Edward Vincent Diokno at dating Commissioner Felizardo “Jun” Sevilla Jr.,

Boss Emong ni Laiza D. Eje at Super Swerte ni Leonardo “Sandy”Javier ang 1600-meter race na may nakatayang P1.5-million sa winner, P500,000 sa second placer, P250, 000 sa third, P125,000 sa fourth, P75, 000 sa fifth at P50,000 sa sixth.

Maaalalang naging kontrobersyal ang nakalipas na 2021 Presidential Gold Cup nung December, na kung saan unang tumawid sa finish line si Sky Shot subalit na-disqualified matapos ang protesta ng mga tagapagtaguyod ni Super Swerte.

Inaasang muling magiging kapanapanabik ang magiging rematch ng tatlong gallopers para sa Commissioners’ Cup.

Bukod sa tatlo, apat pang premyadong kalahok — Best Regards, Pangalusian Island, Son Also Rises at War Cannon — ang inaasahang magpapakitang gilas.

Samantala, siyam na gallopers ang sasabak sa P750,000- Commissioners’ Cup Division II, na may tayang P450, 000 para sa kampeon.

Ang siyam ay sina Victorious Colt, Arrabiata, Magtotobetski, Weather Lang, Flattering You, Batang Cabrera, Greatwall, Shining Vic at Isla Puting Bato.

Sa P500, 000 Commisioners’ Cup Division III, na mGbigay ng P300, 000 sa winner, sasabak sina The Accountant, Refuse To Lose, Hook On D Run, La Liga Filipina, Full Control, Cam From Behind, Tiger Boy, Kid Baloloy, Gintong Tubig, Fortissimo, Bomod-Ok Falls and Spandau Ballet sa 1600-meter karera.

Binati ni Philracom Chairman Aurelio “Reli” P. de Leon ang mga maguging mapalad na kalahok.

“Good luck to all the entries of the Commissioners’ Cup. Whoever wins here will be one step closer in getting the P1.5-million cash bonus awaiting th “sweeper” of the Triple Cup with the 1800-meter Philracom Classic next month at the Philippine Racing Club in Naic, Cavite and the lung-busting 2000-meter Chairman’s Cup in May at the Metro Manila Turf Club in Malvar, Batangas,” pahayag.ni De Leon

“Furthermore, purses for all legs of the Triple Cup have been increased from P1-million last year to P2.5-million this year thus making for very interesting races for the bayang karerista,” dagdag pa niya.