PEZA

PEZA nakapagtala ng P12.5B halaga ng investment sa Q1

219 Views

NAKAPAGTALA ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng kabuuang P12.537 bilyong halaga ng investment pledge sa unang quarter ng 2023.

Ayon sa PEZA ito ay mas mataas ng 53.99% kumpara sa naitala noong Enero hanggang Marso 2022.

Kumpiyansa ang PEZA na maaabot nito ang 10% paglago sa investment commitment ngayong taon mula sa P140.7 bilyong investment noong 2022.

Mayroon umanong 42 bago at expansion project sa mga ecozone locator at developer mula Enero hanggang Marso 2023. Ito ay mas mataas ng 44.83% kumpara sa 29 proyekto sa kaparehong panahon noong 2022.

Ang mga dagdag na investment ay inaasahang makalilikha ng $616.585 milyong halaga ng export at 5,236 direct employment.