Macasaet

P5.95B pension loan naipamahagi ng SSS noong 2022

162 Views

UMABOT sa P5.95 bilyon ang halaga ng pension loan na naibigay ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito noong 2022.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang halagang ito ay halos doble ng P3.08 bilyong halaga ng pension loan na naipamigay noong 2021.

Ito rin umano ang pinakamalaking halaga ng loan na naipamigay sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP) sa loob ng isang taon mula ng magsimula ang programa noong 2018.

“Our records show that a total of 127,920 retiree-pensioners availed from the PLP in 2022, which is 85 percent higher than the 69,036 retiree-pensioners who availed of the program in 2021,” sabi ni Macasaet.

Sa National Capital Region ay 28,239 ang bilang ng mga nag-loan na nagkakahalaga ng P1.43 bilyon. Sa ibang pang bahagi ng Luzon ay mayroong 30,158 miyembro na nag-loan na may kabuuang halagang P1.39 bilyon.