Lagon

Mataas na rating ni Speaker Romualdez iniugnay ng solon sa dalisay nitong pamumuno

162 Views

ANG magkasunod na mataas na satisfaction at approval rating sa mga survey ng Kamara de Representantes at ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay bunga umano ng magandang pamamalakad ng liderato ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon na hindi maitatanggi ang kasipagan ni Speaker Romualdez sa pagganap sa kanyang tungkulin.

“Napakasipag ni Speaker Martin. No one among the members of House can deny his energetic way of conducting business in the chamber, especially when it comes to passing important pieces of legislation. And I firmly believe that the Filipino people see that in Speaker Martin,” ani Lagon, vice chair ng House Committee on Ways and Means at Committee on Games and Amusement.

Nahahawa umano ng kasipagan ang iba pang kongresista kaya maganda ang performance ng Kamara.

“And we, as members, emulate the diligence we see in our leaders. This is truly genuine leadership by example. What we have is an ‘involved leadership’ that allows House leaders and members a free rein on their respective duties and responsibilities without the need for micromanagement,” sabi ni Lagon.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 15-19, si Speaker Romualdez ng 51 porsyentong approval rating o mayorya ng mga Pilipino ang aprub sa kanyang pagseserbisyo. Ganito rin ang nakuhang rating ni Senate President Migz Zubiri.

Sa kaparehong survey, nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 75 porsyento at si Vice President Sara Duterte ay 83 porsyento.

Sa survey naman ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre, 56 porsyento ang nakuhang satisfaction rating ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.

Naaprubahan na ng Kamara ang 23 sa 31 panukalang batas na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“The survey results are a recognition of our hard work in the lower house, but they are really not our main motivation. As Speaker Martin always says, this is our mandate and contribution to nation-building, to enact laws that will benefit the nation and the Filipino people,” dagdag pa ni Lagon.

Sinabi ni Lagon na siya, si Romualdez at lahat ng pinuno ng Kamara ay nagkakaisa sa pananaw na dapat agad na aksyunan ang mga panukalang batas na makapagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.