GMA

Statue ni dating Pangulong Diosdado Macapagal pinasinayahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong GMA sa PMMA sa Zambales.

Mar Rodriguez Apr 21, 2023
169 Views

GMA1GMA2PINASINAYAHAN ngayong Biyernes ng umaga nina House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kapatid nitong si dating Pampanga Vice-Governor Cielo Macapagal-Salgado ang statue ng kanilang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Kasabay ng ika-21 founding anniversary ng PMMA, pinagdiriwang din ngayong araw (April 21, 2023) ang anibersaryo ng paglagda ni dating Pangulong Macapagal sa isang batas noong 1963 na nagtatag sa Philippine Merchant Marine Academy na dating kilala bilang Philippine Nautical School.

Sa kaniyang maikling mensahe para sa mga kadete at school officials ng PMMA, sinabi ni Macapagal-Arroyo na noong siya pa ang Pangulo ng bansa, ang PMMA ay nakakapag-produce na aniya ng 10% ng mga kadete sa pamamagitan ng Filipino deck at engine officers na nakatalaga sa mga international ships.

Bunga nito, ipinagmalaki din ng Pampanga 2nd Dist. congresswoman na umani at nagtamo ang Pilipinas ng malaking ganansiya mula sa “foreign exchange” na ibinibigay naman ng mga “sea farers o mga marino kabilang na dito ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Sinabi ni Macapagal-Arroyo na hindi aniya matatawaran ang kontribusyon na ibinibigay ng mga Pilipino seamen (mariners) partikular na ang mga graduate ng PMMA sapagkat natamo ng Pilipinas ang “38 uninterrupted quarters” na siyang nagbigay ng sunod-sunod na “economic growth” para sa bansa.

“When I was still President. PMMA was already producing 10% of the total number of Filipinos deck and engine officers manning international ships. Thus providing a bountiful harvest of foreign exchange earnings for the country. OFW remittances along with the fiscal economic reforms implemented during my term,” sabi ni Macapagal-Arroyo sa kaniyang mensahe sa PMMA.