Ople

American companies interesado sa mga OFW na inilikas mula sa Sudan

205 Views

MAYROON umanong mga kompanya sa Amerika na nagpahayag ng interes sa kunin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na inilikas mula sa Sudan, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople.

“They’re willing na tingnan ‘yung profiles nung mga galing Sudan kasi sabi ko these are skilled workers. Sabi ko, may international school na teachers may mga nurses, mayroon ding construction workers tsaka mga engineers. So sabi naman nila, they’re willing to look at the profiles,” sabi ni Ople.

Sinabi ni Ople na ilan sa mga kompanyang ito ang MedPro International, Magsaysay People Resources/Magsaysay Maritime Corporation, at Carnival Corporation, Princess Cruises.

Ayon kay Ople inihahanda ng DMW ang profile ng mga OFW na ito. Bukod umano sa mga kompanya sa Amerika nais din makita ng ilang kompanya sa Saudi Arabia ang mga profile ng mga umuwing OFW.

“There are employers in the US and also in the cruise ship industry and in Saudi Arabia that are very much interested and would like to see profiles of our workers from Sudan,” ani Ople.

“For Saudi Arabia, we are working closely with PEACEME, a recruitment industry association geared towards employment in KSA as well as with the Ministry of Human Resource and Social Development,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Ople binigyan ng tulong ng DMW ang mga OFW na naapektuhan ng gera sa Sudan. May bukod na tulong umanong ibibigay ang Overseas Workers Welfare Administration.

“All OFWs have received US$200 care of the DMW while they are in Egypt and then livelihood package, financial assistance of initially P50,000 and then through OWWAregional offices. Yung initial na P50,000 will be coming from the DMW’s direct aid to the worker, another Php50,000 will be given by OWWA to the families of the workers,” wika pa ng kalihim.

Nasa 536 Pilipino ang inilikas sa Sudan at dinala sa Cairo, Egypt.