Recto

Speaker Romualdez, Amba Babe malaki naitulong sa tagumpay ng US trip ni PBBM

126 Views

MALAKI umano ang naitulong nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez sa tagumpay ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph G. Recto kasabay ng kanyang pagpuri sa tagumpay ng biyahe ng Pangulo kung saan nakakuha ito ng bilyong halaga ng pangakong pamumuhunan.

“The trip of the President to the US was an unqualified success,” ani Recto.

“It helped that he had as wingmen Ambassador Babes Romualdez, a reliable DC hand who can speed-dial those who move the levers of power, and Speaker Romualdez, whose excellent private sector contacts hark back to his banking days,” sabi pa ni Recto.

Sinabi rin ng kongresista na malinaw na naipahayag ni Pangulong Marcos ang interes ng Pilipinas sa mga opisyal ng Amerika.

“He was able to put out that narrative despite the US government’s spin to paint the rebooted US-PH relations in one-dimensional terms – as an alliance against China,” dagdag pa ni Recto. “He was not mouthing Washington’s talking points but clearly conveyed our national interest.”

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay hindi magiging launching pad para sa anumang pag-atake sa mga bansa sa rehiyon. Ang Pilipinas ay nananatili umanong kaibigan ng lahat at hindi kaaway ninuman.