LTO magbibigay ng libreng theoretical driving course

223 Views

BILANG bahagi ng kampanya upang maging ligtas ang mga lansangan, magbibigay ang Land Transportation Off ice (LTO) ng libreng theoretical driving course (TDC).

Ang TDC ay requirement para sa mga kukuha ng student license.

Ang inisiyatibong ito ay kasabay na ng pagdiwang ng ika-111 anibersaryo ng pagkakatatag ng LTO.

Ayon kay LTO Chief Jayart Tugade layunin ng complimentary TDC program na magbigay ng oportunidad para sa mga Pilipinong walang kakayahang magbayad para sa aplikasyon ng student permit at makakuha ng mahalagang edukasyon sa pagmamaneho.

“LTO recognizes that not all Filipinos have the financial means to cover TDC fees, which is why we have arranged for the provision of complimentary TDCs at our regional offices. While we can only accommodate a limited number of students, this initiative demonstrates the agency’s dedication to increasing the number of qualified drivers on the road, in partnership with our affiliated driving schools,” ani Tugade.

Magiging regular umano o buwanan ang pagdaraos ng libreng TDC sa lahat ng mga tanggapan ng LTO sa buong bansa.