DOH

12,426 bagong kaso ng COVID-19 naitala

100 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 12,426 bagong kaso ng COVID 19 mula Mayo 15 hanggang 21 bahagyang mas mataas kumpara sa mas naunang linggo.

Ang daily average ay 1,775 kaso.

Ayon sa DOH sa naturang bilang 0.70 porsyento o 87 ang critical o severe.

Mula Mayo 8 hanggang 14 ay 12,414 ang naitalang kaso o 1,773 kada araw.

Bumaba rin ang ICU bed utilization sa 18.2 porsyento mula sa 18.8 porsyento.

Hanggang noong Mayo 21, nakapagtala na ang bansa ng 4,127,268 kaso kung saan 4,044,740 ang gumaling at 66,466 ang nasawi.

Ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso sa bansa ay 16,422.