Calendar
Speaker Romualdez iginiit kahalagahan ng BI modernization
IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI) upang magampanan nito ang kanilang mandato.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa paglipas ng panahon ay marami ng nagbago at hindi nakasabay dito ang BI.
“This measure is also a long time coming, as it has been filed and re-filed for around 20 years. A lot of technologies have changed in that span of time and this bill ushers the BI into the digital age,” ani Speaker Romualdez.
Ipinunto rin ni Speaker Romualdez na ang panukala ay isa sa mga prayoridad na maisabatas ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).
“This bill’s importance cannot be overstated, being one of the listed LEDAC bills. It is two-pronged in that it will improve travel experience and at the same time tighten up our border security,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Inaprubahan na ng Kamara ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa. Walang kumontra sa pagpasa ng panukala na nakakuha ng 287 boto.
Sa ilalim ng panukala ay itataas ang sahod ng mga immigration officer at bibigyan ng angkop na kasabayan ang mga ito.
Pinapayagan din ang BI na itabi sa Immigration Trust Fund (ITF) ang hanggang P1.2 bilyong kita nito mula sa mga bayaran at multa. Ang naturang pondo ay gugugulin sa pagbili ng mga modernong kagamitan at pagsasanay ng mga tauhan ng ahensya.