Villar

Villar tiwala pipirmahan ni Marcos bill  para mawala utang ng mga magsasaka

162 Views

TIWALA si Sen. Cynthia Villar na pipirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr. para maging batas ang bill upang mawala na ang utang ng mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries (ARB).

Sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, na mahigit 600,000 ARBs ang makikinabang sa Senate Bill 1850 o ang New Agrarian Emancipation Act.

Nagmula sa komite ni Villar ang bill na naipasa na ng 2 Kapulungan ng Kongreso. Ipinapanukala nito na wala nang babayarang principal at interes sa utang mula sa ibinigay na agricultural lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program simula December 31, 2022.

Ayon kay Villar, maraming magsasaka ang naghihintay na maging batas ito para matupad ang pangarap na magkaroon ng titulo ang kanilang lupa.

“Without land in their name, our farmers cannot access credit as they lack collateral to secure the same,” ani Villar.

Kapag naging batas, mawawala na ang P57.5 billion utang ng mahigit 600,000 ARBs. Sina saka nila ang 1.2 million ektarya ng lupa ng agrarian reform.

“The principal loan of ?14.5 billion of 263,622 ARBs, tilling 409,206.91 hectares of agrarian reform lands, whose names and other loan details were already submitted by the Land Bank of the Philippines (LBP) to Congress, would be condoned outright,” ani Villar.

“The inclusion of the remaining ?43.057 billion loan would take effect only upon submission by the LBP and the Department of Agrarian Reform (DAR) of details of the indebtedness to government of the 346,432 ARBs, tilling 763,894.66 hectares of agrarian reform lands,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng bill, ibabasura rin lahat ng kaso ng ARBs sa Department of Agrarian Reform dahil sa hindi pagbabayad ng utang.Hindi rin pagbabayarin ang ARBs ng estate tax. Ipinagbabawal din sa panukala ang pagbebenta, paglipat ng lupa sa loob ng 20 taon maliban na lamang kung ibibigay ito bilang mana o sa Land Bank o the iba pang qualified beneficiaries.

“This bill seeks to help alleviate the plight of ARBs, who are farmers; for them to recover and overcome the fallout of the COVID-19 crisis, the devastating African swine fever, the ongoing avian influenza, the increasing cost of fertilizer, fuel, and other farm inputs, and climate change,” sabi pa ni Villar.

Idinagdag pa ni Villar na malaki ang tulong nito sa mga magsasaka para madevelop ang kanilang bukid at madagdagan ang productivity upang makaangat sa kahirapan.