Calendar
1-PACMAN Party List Group pinapurihan ang mabilis na pagkilos ng DWSD sa gitna ng volcanic activities sa Taal at Mayon Volcano
PINAPURIHAN ng 1-PACMAN Party List Group ang naging mabilis na pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para paghandaan ang kasalukuyang pag-aalboroto at posibleng pagputok ng Taal Volcano sa Batangas at Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay.
Sinabi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na napakahalaga ang naging aksiyon ng DSWD sapagkat ngayon pa lamang ay kailangan ng maging maagap ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para paghadaan ang tinatawag na “worst scenario” sakaling magkaroon ng volcanic eruption.
Binigyang diin ni Romero na hindi na dapat pang hintayin ng mga concerned agencies ng pamahalaan na sila’y “mabulaga” o magulantang sa sandalling dumating na ang takdang oras na tuluyan ng pumutok ang Taal at Mayon Volcano.
Ipinaliwanag pa ni Romero na bagama’t wala pa naman dapat ikabahala sa kasalukuyan. Subalit iginiit ng mambabatas na mabuti na aniya na nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng pagkain, damit, inumin at iba pa sa oras na magkaroon ng trahedya dulot ng volcanic eruption.
Ayon sa kongresista, dapat na umanong matuto ang mga Pilipino sa mga nagdaang karanasan nito na laging nahuhuli sa tuwing magkakaroon ng iba’t-ibang sakuna. Kung saan, kumikulos lamang aniya sila kapag nangyari na ang kanilang inaasahan kung kaya’t lalo umanong lumalaki ang problema.