Martin1

Inaalok na tulong ng Portugal sa Pilipinas para puksain ang ASF welcome kay Speaker Martin G. Romualdez

Mar Rodriguez Jun 14, 2023
118 Views

IKINAGALAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang ibinibigay na tulong ng bansang Portugal para sa Pilipinas upang puksain ang African Swine Flu (ASF) na lubhang nakaka-apekto sa sektor at industriya ng magba-baboy.

Sinabi ni Speaker Romualdez na welcome para sa kaniya ang inaalok na tulong ng Portugal para tulungan ang Pilipinas na masawata ang salot na ASF na pumipilay sa sektor at industriya ng magba-baboy. Kasabay ng pagpapahayag ng kaniyang kagalakakan sa pagbubukas ng pinto ng mga European countries para sa mga Pilipinong manggagawa.

Ang nasabing balita ay ipina-abot naman ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines Maria Joào Falcáo Poppe Lopes Cardoso kay Speaker Romualdez matapos itong mag-courtesy call sa House Speaker sa Manila Golf and Country Club.

Tiniyak naman ng House Speaker na eendorso nito sa mga concerned agencies ng Executive Department ang inaalok ng Portugal para sa isang mabilis at nararapat na aksiyon kasabay narin ng paglalatag ng mga inisyatiba para lalo pang mapalawak ang bilateral trade at cooperation pagitan ng Pilipinas at Portugal sa larangan naman ng technology at defence.

“These propositions are of great mutual interest to both countries,” sabi ni Speaker Romualdez.