Bautista

DOTr: LRT 1 at 2 may taas pasahe simula Agosto 2

179 Views

MAGPAPATUPAD ng pagtataas sa pamasahe ang Light Rail Transit Line 1 at 2 simula sa Agosto 2.

Sa inilabas na anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) pinayagan na umano ang pagtataas ngayong unti-unti ng gumaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa at bumababang inflation rate.

Ayon kay Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino inaprubahan ni DOTr Sec. Jaime Bautista ang pagpapatupad ng pagtaas na nauna ng inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU).

“We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” sabi ni Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino.

Malaki umano ang maitutulong ng pagtaas ng pamasahe upang mapanatili na maganda ang serbisyong naibibigay ng LRT 1 at 2.

“We are aiming to make our rail services more accessible, convenient, and efficient for commuters,” ani Asec. Aquino. “We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines.”

Batay sa inaprubahan ng RRU, ang boarding fee ay daragdagan ng P2.29 at may dagdag namang 21 sentimos kada kilometro ng biyahe.

Sa pagtataas na ito, magiging P13.29 ang dating P11 na boarding fee at magiging P1.21 kada kilometro naman ang singil mula sa dating P1.