MRT3

MRT-3 hihirit ng taas-pasahe

105 Views

MAGHAHAIN ng petisyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para makapagtaas ito ng pasahe.

Ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge Oscar Bongon ihahain ang petisyon sa loob ng dalawang linggo.

Hihingi umano ang MRT-3 ng dagdag na P2.29 boarding fee at P0.21 kada kilometro.

Malaki umano ang lugi ng MRT-3 dahil mas malaki ang ginagastos nito kumpara sa kanilang kinikita dahil mababa ang pamasahe na kanilang sinisingil sa mga pasahero.

Mahigit P80 umano ang subsidiya ng gobyerno sa bawat pasaherong sumasakay ng MRT-3.

Ang Light Rail Transit Line 1 at 2 ay magpapatupad naman ng pagtataas simula sa Agosto 2.