Calendar
PBBM tiniyak suporta sa Army
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nagsipagtapos ng Philippine Army Officer Candidate Course na suportado ng kanyang administrasyon ang pagbibigay sa kanila ng mga modernong kagamitan.
Sinabi ni Pangulong Marcos na isusulong din ng kanyang administrasyon ang retooling at retraining ng mga sundalo upang matiyak ang kanilang kahandaan.
Ang Pangulo ay dumalo sa graduation ceremony ng Philippine Army Officer Candidate Course “Gaigmat” Class 58-2023 sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
“Be assured, the government’s dedication to your advancement and welfare goes beyond providing modern equipment alone. We continue to prioritize retooling and retraining to arm you with intellectual fortitude, with tactical prowess, and strategic acumen to thrive in the modern battlefield,” ani Pangulong Marcos.
“I invite you to join me and this administration in building a better, safer, and more secure nation for all Filipinos in the years to come,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ang pagtatapos ng pagsasanay ng mga sundalo ay nagsisilbing simula sa pagharap sa mas malaking hamon ng pagiging isang Army Officer.
“While this graduation ceremony marks the end of this chapter in your training, your journey does not end here— an even bigger challenge awaits you as you start to assume leadership roles in our Army,” dagdag pa ng Pangulo.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang paggagawad ng Philippine Presidential Saber for Excellence sa limang natatanging nagtapos.