50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Workaholic girlalu at chopopong hubby jiwalay na?
Aug 22, 2026
Calendar
Nation
Walang trabaho kumonti—PSA
Peoples Taliba Editor
Jul 8, 2023
463
Views
NABAWASAN umano ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Labor Force Survey.
Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa ang bilang ng mga Pilipino na edad 15-taong gulang pataas na walang trabaho ay bumaba sa 2.17 milyon noong Mayo 2023.
Ito ay mas mababa kumpara sa 2.26 milyon na naitala noong Abril 2023. Mas mababa rin ito sa 2.93 milyon na naitala noong Mayo 2022.
Tumaas naman ng 202,000 ang bilang ng mga may trabaho o mula 48.08 milyon noong Abril 2023 ay naging 48.26 milyon noong Mayo 2023. Mas mataas din ito sa 46.08 milyon na naitala noong Mayo 2022.
Pinoys tuturuan ng urban agriculture ng TESDA, DA
Aug 22, 2026
BI inaresto nagpapanggap na Pilipino
Aug 22, 2026
Jeep nag-counterflow sa QC, operator may SCO
Aug 22, 2026
Ugnayang PH, ASEAN Committee pinagtibay
Aug 21, 2026

