WPS

8 sa 10 Pinoy pabor sa pakikipag-alyansa ng PH para madepensahan WPS

Neil Louis Tayo Jul 12, 2023
174 Views

PABOR ang 8 sa bawat 10 Pilipino sa pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa upang madepensahan ang teritoryo nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay ayon sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Hunyo 19 hanggang 23 at kinomisyon ng think tank na Stratbase ADR Institute. Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondent.

Ang mga respondent ay tinanong kung sila ay pabor o hindi pabor sa pahayag na ito: “Alliances should be formed and relationships strengthened with other countries that have similar beliefs to the Philippines to defend the territorial and economic rights of the Philippines in the West Philippine Sea and protect international order.”

Nagsabi naman ang 17 porsyento na sila ay undecided at 3 porsyento naman ang hindi pabor sa nabanggit na pahayag.

May 1 porsyento naman na nagsabi na wala silang sapat na kaalaman kaugnay ng isyu kaya hindi makapagbigay ng opinyon.

Inilabas ang resulta ng Pulse Asia survey sa ikapitong anibersaryo ng panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa nine-dash line claim ng China sa South China Sea at nagpapatibay sa posisyon ng bansa na ito ang may-ari ng bahagi ng WPS.