Calendar
PCAP title nasungkit ng St. Benilde
WALA ng iba kundi La Salle-College of St. Benilde.
Pinayuko ng St. Benilde ang Dasmariñas Integrated High School, 10.5-4.5, upang tanghaling kauna-unahang kampeon sa PCAP Inter-school chess tournament kamakailan.
Pinangunahan nina FM Narquingden Reyes at Jerich Cajeras ang matagumpay na kampanya ng St. Benilde at maiuwi ang top prize na P30,000 sa two-weekend na kumpetisyon na itinaguyod ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).
Pumangalawa ang Dasmariñas Integrated High School at nag-uwi ng P20,000, habang pumangatlo ang Ateneo de Manila University at nanalo ng P10,000.
Pumang-apat naman ang San Sebastian College-Manila.
Pinabagsak ni FM Narquingden Reyes ang mga katunggaling sina NM Michael Concio, Jr., 2-0, sa rapid at WIM Kylen Joy Mordido, 1-0, sa blitz upang pamunuan ang kampanya ng Blazers.
Gayundin din, winalis ni Cajeras sina NM Mark Jay Bacojo, 2-0, sa rapid at FM Gian Karlo Arca, 1-0, sa blitz.
Nag-ambag din sa panalo ng St. Benilde si FM Dino Ballecer matapos itumba si Mordido, 2-0, sa rapid at tumabla kay Bacojo, .5-.5, sa blitz.
Tanging si IM Daniel Quizon.ang nagpakitang gilas sa Dasmariñas Intergrated High School matapos igupo si Nelson Busa, 2-0, sa rapid at tumabla kay Narquingel Reyes, .5-.5, sa bltiz.
Naungusan naman ng Ateneo ang San Sebastian, 8-7, sa tulong ng mahusay na laro ni IM Jan Emmanuel Garcia.
Si Garcia, na isa sa mga IMs na kalahok, ay nagwagi kina Jovert Valenzuela, 2-0, sa rapid, at Mark Dominic Valdez, 1-0, sa blitz.
Ginulat naman ni Omar Bagalasca si FM Noel de la Cruz, 2-1, para sa panalo ng Quezon City-based Eagles.
Una dito, pinayuko ng St. Benilde ang Ateneo, 12-3, at binigo ng Dasmariñas High School ang San Sebastian, 10-5-4.5.
Ang kumpetisyon ay inorganisa nina PCAP president-commissioner Atty. Paul Elauria at PCAP Chairman Michael Angelo Chua.