Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Caption: Binigyang pugay ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang lungsod ng Mabalacat sa lalawigan ng Pampanga sa pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng pagiging siyudad nito. Kuha ni VER NOVENO

Cityhood ng Mabalacat simbolo ng tuloy-tuloy na pag-unlad—Speaker Romualdez

177 Views

BINIGYANG pugay ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang lungsod ng Mabalacat sa lalawigan ng Pampanga sa pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng pagiging siyudad nito.

Kasabay nito ay kinilala ng Mabalacat City si Speaker Romualdez bilang isang native son ng lungsod. Ang ina ni Spaker Romualdez na si Juliette Gomez ay tubong Mabalacat.

“Today is not merely an anniversary – it is an affirmation of the continued growth and prosperity of Mabalacat. This city is more than just a place to me. I have been profoundly touched by this city, its people, and its vibrant culture,” pagbati ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ipinagmamalaki nito na hindi lamang maging isang taga-Tacloban kundi maging isa ring taga-Mabalacat kung saan siya minsang inilibot ng kanyang ina.

“My connection with Mabalacat runs deeper. Our ties can be traced back to the old Gomez-Romualdez house, a testament to our familial connections with this city,” sabi ni Speaker habang inaalala ang gusaling itinayo bago ang panahon ng giyera noong 1934.

“This house stands as a symbol of Mabalacat’s rich history, our family’s resilience, and the enduring bonds we’ve shared with this city. This house, now known as Tubigan, is more than a building,” dagdag ng lider ng Kamara sa isinagawang pagpapasinaya ng New Government Center.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang araw ng aniberasyo bilang isang special non-working day.

“I am immensely grateful and moved to officially become an adopted son of your wonderful city. As we celebrate the 11th anniversary of Mabalacat’s Cityhood, we also recognize the resilience, strength, and progress of this city and its people,” sabi ng House Speaker

Para kay Romualdez ang pagtitipon ay simbolo ng pag-unlad na kanilang inaasam habang ang New Government Center naman aniya ang sumasalamin sa maayos na pamamahala at pagsisilbi sa mamamayan ng Mabalacat.

“As we break ground today, we also sow the seeds of a brighter future. Each grain of earth we move symbolizes the transformative efforts that we are initiating. Each brick we lay down stands for the strong foundation of unity and cooperation,” sabi pa ng House leader

Inalala rin ng House Speaker ang kanilang ancestral home na kumakatawan sa malalim na relasyon ng kanilang pamilya at mga residente at kung saan ipinagdiriwang ang mayabong nilang kultura at tradisyon.

“In receiving this adoption, I am reminded that family isn’t always about being connected by blood. It’s about being connected in the heart. With a heart full of gratitude and eyes set on the future, let us celebrate the city’s past, embrace its present, and prepare for an exciting and promising future,” pahayag ni Romualdez

“Each and every one of you has a special place in my heart, and together we form a family that seeks to foster a future rooted in unity, progress, and prosperity. May we continue to uplift each other, to work hand in hand and to make Mabalacat an even more prosperous and inclusive city,” saad pa ng lider ng Kamara.