Lee

Pag-institutionalize ng agri-buinesses sa PH isinulong

Mar Rodriguez Jul 27, 2023
147 Views

HINIHILING ni AGRI Party List Congressman Wilbert T. Lee sa liderato ng Kamara de Reperesentantes na agarang ipasa para maisabatas ang panukalang batas na naglalayong ma-institutionalize ang tinatawag na “agri-business” marketing kasunod ng naging tagumpay ng mga Kadiwa Centers.

Sinabi ni Congressman Lee na kasabay ng naging tagumpay ng mga Kadiwa Centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Iginigiit ng kongresista na ito ang dapat magbunsod sa liderato ng Mababang Kaulungan para agad na maipasa ang House Bill No.3957 bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ipinaliwanag ni Lee, principal author ng House Bill No. 3957 o ang “Kadiwa Agri-Food Terminal Act”, na batay sa datos na inilabas ng Department of Agriculture (DA) na tinatayang nasa 41,357 magsasaka na ang nakinabang sa Kadiwa program. Kung saan, P7,241 billion naman ang naging kita nito o sales at nakapag-bigay serbisyo sa mahigit apat na milyong mamamayan.

Dahil dito, binigyang diin ni Lee na pinatutunayan lamang umano ng mga Kadiwa Centers na malaki ang potensiyal ng nasabin programa at malaki ang posibilidad na puwede pa itong palawakin upang mas lalong mapakinabangan ng marami pang magsasaka mula sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas kabilang na dito ang mga mamimili.

“Patunay ito na napakalaki ng potensiyal ng programang ito at marami pang puwedeng makinabang kung palalawakin natin an Kdiwa Centers,”ayon kay Lee.

Sinabi pa ng kongresista na panalong-panalo aniya ang mga magsasaka sa sa programa ng Kadiwa sapagkat maaari silang ng maayos dahil sa walang “middleman” ang makiki-alam at manghihingi ng porsiyento. Kasama na rin dito ang mga consumers o mga mamimili dahil mabibili nila sa murang halaga ang mga agricultural at fisheries products katulad ng mga gulay at isda.

“Panalo ang mga magsasaka dito kasi puwede silang kumita ng maayos dahil wala ng middleman. Panalo din ang consumers kasi maaari na nilang mabili sa murang halaga ang mga agricultural at fisheries products sa ating mga Kadiwa Centers,” dagdagpa ni Congressman Lee.