Madrona

Tourism projects ni Frasco ikinagalak ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Jul 31, 2023
161 Views

NAGPAHAYAG ng kagalakan ang Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist Congressman Elandro Jesus “Budoy”F. Madrona kaugnay sa naging pahayag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco na kasalukuyang nakahatag na ang mga infrastracture projects para sa pagkukumpuni o pagsasa-ayos ng mga kalsada at tulay patungo sa iba’t-ibang tourist destination sa Pilipinas.

Sinabi ni Madrona na itinuturing nitong “good start” o magandang pasimula para sa DOT ang naka-kasa o naka-umang na 158 kilometers road projects patungo sa mga tourist destinations sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan ng aheniya sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ipinaliwanag ni Madrona na kaya nito nasabing isang “good start” ang nasabing proyekto sapagkat nataon ang paglulunsad nito sa katatapos pa lamang na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong”R. Marcos, Jr. na isang indikasyon na seryoso ang DOT na mas lalo pang pagyabungin ang Philippine tourism alinsunod sa naging message ng Pangulo sa kaniyang SONA.

Bukod dito, sinabi din ni Madrona na ang pagkakaroon ng mga ganitong infrastructure projects para sa DOT ay nagpapakita din na ang turismo ay talagang priority ng Marcos, Jr. administration dahil sa malaking oportunidad na ipinapasok nito para sa Pilipinas kabilang na dito ang malaking kita mula sa mga dayuhang bumibisita at nagbabakasyon sa bansa.

Dahil dito, optimistiko si Madrona na sa mga darating na taon ay mas lalo pang dadami ang investments para sa mga tourism infrastructure roads partikular na sa iba’t-ibang lalawigan na malimit na dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista.

Inaasahan na maraming local government units (LGUs) ang makikinabang sa mga ikakasang tourism projects.