MCIA

MCIA kauna-unahang paliparan sa PH na nakatanggap ng Airports Council accreditation

93 Views

NASUNGKIT ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang Airport Customer Experience Accreditation mula sa Airports Council International (ACI).

Ayon MCIA ang kauna-unahan at nag-iisang paliparan sa bansa na nabigyan ng naturang accreditation.

Nasa 20 porsyento lamang ng mga paliparan sa mundo ang mayroong ACI CUSTOMER EXPERIENCE LEVEL 1 at pitong airport lamang ang nakaabot ng Level 2 o higit pa.

“This remarkable milestone showcases MCIA’s unwavering commitment to enhancing customer experience management, leading to efficient check-ins and security procedures, and a diverse range of dining and retail options—all part of our dedication to excellence in every facet of airport operations,” sabi ng MCIA sa isang pahayag.

Pinuri naman ng MCIA ang mga kawani nito sa kanilang dedikasyon sa trabaho na nagbigay daan upang maging posible ang nasungkit na accreditation.