BBM

PBBM binuo Pasig River Urban Development council

167 Views

BINUO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development para sa agarang rehabilitasyon ng Pasig River.

Inilabas ng Malacañang ang apat na pahinang Executive Order (EO) No. 35 para sa pagbuo ng inter-agency council.

Ang inter-agency council ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Magsisilbi namang vice-chair ang chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasama naman sa council ang DPWH, DENR, DILG, DOT, DOTr, DOF, DBM, NHCP, NCCA, PPA, PCG, LLDA at TIEZA.

Bukod sa pagtiyak na maipatutupad ang rehabilitasyon ng ilog Pasig, ang council ay inaatasan na lumikha ng Pasig River Urban Development Plan.