NEDA

NEDA inaprubahan tariff rates, modification sa e-vehicles

Chona Yu May 16, 2024
35 Views

INAPRUBAHAN na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagpapalawig sa executive order na nagpapatupad ng temporarily exemption sa import tariff ng ilang electric vehicles, parts at components.

Sinang-ayunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang chairman ng NEDA Board, ang rekomendasyon ng Committee on Tariff and Related Matters (CTRM).

Sinang-ayunan ng Pangulo na panatilihin ang Most Favored Nation (MFN) rate na zero hanggang 2028 sa 34 tariff lines of battery electric vehicles na kasalukuyang saklaw ng Executive Order No. 12.

Sa ilalim ng EO 12, nakakukuha ng mababang tariff rates ang iba’t-ibang electric vehicles at components mula sa dating 5 hanggang 30 percent at ngayon naging 0 percent import duty.

Subject for review pa ang mga bagong rates isang taon matapos ang implementasyon.

“It has also decided to expand the list of articles with reduced duty to include e-motorcycles and e-bicycles and nickel metal hydride accumulators, and reduce the duty on these articles to zero until 2028,” pahayag ng NEDA Board.

Sakop nito ang iba pang uri ng e-vehicles, battery ng e-tricycles at quadricycles; battery, hybrid EV (HEV) at plug-in hybrid EV (PHEV) jeepneys/buses; at HEV and PHEV cars and trucks; pati na ang completely knocked down (CKD) EVs.

“Executive Order No. 12 is designed to stimulate the electric vehicle (EV) market in the country, support the transition to emerging technologies, reduce our transport system’s reliance on fossil fuels, and reduce greenhouse gas emissions attributed to road transport.

By encouraging consumers to adopt EVs, we are promoting a cleaner, more resilient and more environmentally friendly transportation alternative,” saad pa ng NEDA Board.