Nurse

Exhibition ng mga Pinay nurse ginanap sa Chicago

17 Views

Nurse NurseNAGTAPOS ang “Unheard Voices of Care: Filipino Nurses in Chicago” exhibition noong Agosto 2 sa International Museum of Surgical Science sa pangunguna ni Konsul Heneral Melanie Rita Diano.

Nagsilbing tahanan ang eksibisyon ng mga personal na kwento, memorabilia at mga larawan na nagpapatunay sa malasakit ng mga Pilipinong nars sa US.

Ayon kay Diano, ang eksibisyon ay naging simbolo ng pagkilala sa dedikasyon at propesyonalismo ng mga Pinay nars.

Binigyang-diin ni Leni Manaa-Hoppenworth ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng pamanang Pilipino sa Midwest region.

Naging makulay ang huling araw ng exhibit dahil sa sayaw na Waray-Waray at Lawiswis mula sa Santacruzan Cultural Group.