Pagpapababa sa presyo ng sibuyas at iba pang agri products suportado ng House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Aug 10, 2023
178 Views

SUPORTADO ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang paglulunsad ng panibagong kampanya para mapababa ang napakataas na presyo ng sibuyas at iba pang agricultural products sa bansa.

Ipinahayag ni Romero na buo ang ibibigay niyang suporta kaugnay sa naging direktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para muling buhayin ang ang kampanya para mapababa ang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang agricultural products sa mga pamilihan sa bansa.

Binigyang diin ni Romero na napakalinaw aniya ang mensahe ng ilulunsad na kampanya laban sa price manipulation ng mga produktong agrikultura. Ito ay ang pagsasa-alang alang sa kapakanan ng mga mamimili na labis na pinahihirapan ng mga taong nasa likod ng modus operandi.

Sinabi ni Romero na panahon na upang papanagutin ang mga taong nasa likod ng price manipulation at hoarding ng mga agricultural products. Kung saan, ang mga mamimili at ang mga maralitang mamamayan ang labis na tinatamaan ng kanilang masama at illegal na gawain.

Ipinaliwanag ng kongresista na mistulang nagpalamig lamang o nag-lie low ang mga operators at manipulators ng mga agricultural products sapagkat nagsisimula na naman umanong tumaas ang presyo ng sibuyas sa mercado mula P90.00 ay sumipa na ito sa halagang P180.00 kada kilo.

Nauna rito, naglabas ng direktiba si Speaker Romualdez upang muling buhayin ang kampanya laban para mapababa ang presyo ng sibuyas sa merkado.

Sinabi ng House Speaker na lumabas sa ginawang monitoring ng House Committee on Agriculture and Food na ang presyo ng sibuyas sa merkado ay nagsimula na naming tumataas dahil aktibo na naman ang mga hoarders at price manipulators dahil maaaring ipinapalagay ng mga ito na hindi sila binabantayan.

Sent from Yahoo Mail on Android