Veloso

GSIS kumita ng P61B sa unang semestre ng 2023

Neil Louis Tayo Aug 18, 2023
178 Views

KUMITA ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P61 bilyon sa unang anim na buwan ng 2023.

Ito ay mas malaki ng P3 bilyon kumpara sa kinita ng GSIS sa kaparehong panahon noong 2022.

Ang revenue-to-operating expense ratio umano ngayong taon ay 2 porsyento mas mababa sa 5 porsyento na naitala noong 2022.

Ang administrative at operational expense ng GSIS ay 10%.

“Although these expenses have grown, the rate of increase was slower,” ani GSIS President at General Manager Wick Veloso. “A key factor in keeping expenses under control has been the careful management of operational costs.”

Para sa unang kalahati ng taon, ang administrative at operational expenses ay 2.6 porsyento, mas mababa kumpara sa 4.9 porsyento na naitala sa kaparehong panahon noong 2022. Ang legal threshold sa ganitong uri ng gastos ay 12 porsyento.

Batay sa pondo ng GSIS sa kasalukuyan ang buhay umano ng pension fund ay magtatagal hanggang 2058 o 35 taon.

“A lengthier actuarial life allows us to meet our obligation of providing timely benefits to our members and pensioners. As a financial institution, we focus on growing our members’ contributions through strategic investment opportunities,” paliwanag ni Veloso.

Ang kabuuang domestic investment ng GSIS sa domestic sector ay P1.2 trilyon.

Ang kabuuang asset naman ng GSIS ay P1.6 trilyon, mas mataas ng 8 porsyento kumpara noong nakaraang taon.