may Kinamusta at masayang nakipagkwentuhan si Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa mga senior citizen matapos itong maimbitahan ng kanyang mga taga-suporta sa Paco, Manila. Naniniwala si Lopez na isa sa mga dapat bigyan ng atensiyon ay ang mga senior citizen. Kuha ni MARVIN EMPAYNADO

Lopez mainit na sinalubong sa Maynila

278 Views

MAINIT na sinalubong ng mga residente sa 5th district ng Lungsod ng Maynila sina Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez at kanyang bise alkaldeng si Raymond Bagatsing nitong Biyernes.

Kabilang sa mga lugar na kanilang dinalaw ay ang Mataas na Lupa sa F. Muñoz at Singalong sa San Andres sa Paco at Kalye ng Taal sa Arellano at Meding Streets sa Malate, Manila.

Matapos na maimbitahan ng kanyang mga taga-suporta upang ipakilala sa mga mamamayan ng nasabing lugar at magbigay ng maiksing mensahe sa mga residente ng barangays 735-737 sa

Mataas na Lupa, Malate, dumalaw rin sina Lopez at Bagatsing sa mga kabahayan upang ihatid ang kanilang mensahe sa bawat pamilya ng nasabing lungsod.

Layunin nina Lopez at Bagatsing na lalo pang pagandahin at sisiguruhin ang kalusugan at katahimikan ng mga Batang Maynila, kabilang din ang kaginhawaan at kaayusan sa lungsod.

Ipagpapatuloy din aniya ang mga magagandang programa at proyekto ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kabilang ang mga monthly allowance sa mga senior citizens, single parent, persons with disability at maging mga estudyante na nag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan sa Maynila.

Pati ang mga vendors sa bawat palengke sa Maynila ay kanyang tutulungan at pahihiramin ng puhunan upang maging maginhawa ang kanilang mga kabuhayan.

Sinabi din ni Lopez na sisiguruhin niya na mararamdaman ng mga Manilenyo ang pagmamahal at serbisyo ng isang ama ng lungsod kung sakali siya ay palarin sa pagka- alkalde sa darating na halalan sa Mayo.