Lacson-Sotto

Pagtuturo sa elementarya vs illegal drugs palalakasin ni Lacson

338 Views

PASISIGLAHIN ng Lacson-Sotto tandem ang pagpapatupad ng Drug Abuse Resistance Education (DARE) program sa pamamagitan ng pagsama nito sa kurikulum ng mga estudyante simula sa elementarya upang maikintal sa kanilang isipan ang maaaring maging epekto ng paggamit ng iligal droga.

Inihayag ni Senate President at vice-presidential candidate Tito Sotto ang planong sakaling siya kasama ang running mate na si Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mananalo sa Halalan 2022 upang protektahan ang mga kabataang mag-aaral.

“As far as the educational freedom of the institutions are concerned, I’m all for it.Meron lang akong gustong idagdag sa educational system natin. Dapat ‘yung Grade 5, Grade 6, Grade 7 merong Drug Abuse Resistance Education program,” ani Sotto.

“‘Pag tungtong nila ng 13 years old, alam na nila masama ‘yung droga, masisira ang buhay ko diyan, masisira ang pamilya ko, masisira ang kinabukasan ko. Ganoon dapat ‘yan e,” dagdag niya sa katatapos lamang na vice-presidential debate ng CNN Philippines,nitong Sabado.

Sa tulong ng DARE, naniniwala si Sotto na hindi bababa sa 50 porsyento ng kabataan ang maililigtas mula sa masamang epekto ng pagkalulong sa droga, habang inihahanda sila para maging mas responsableng mamamayan.

Matagal nang adbokasiya ni Sotto ang paglaban sa drug addiction. Katunayan, siya ang nag-akda at sponsor ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naging daan para mabuo ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency.

Kung mahahalal bilang bise presidente, sinabi ni Sotto na nais niyang pamunuan ang DDB at Department of Interior and Local Government bilang miyembro ng Gabinete, upang maipatupad niya nang maayos ang mga probisyon sa ilalim ng umiiral nating batas laban sa iligal na droga.

“The present situation calls for the attention of the government to the problem of drug abuse, not just illegal drugs. Those are two different animals. Kapag ang inasikaso mo lang ay ‘yung supply-reduction strategy na enforcement lamang at may kakulangan sa prosecution, you will never solve the problem of illegal drugs,” paliwanag ni Sotto.

“But if you concentrate on prevention and rehabilitation, which is partly the demand-reduction strategy that is necessary to combat it, I feel we will be able to complete and implement well the laws that we have passed before,” dagdag pa ng Senate President.

Ang DARE ay isang umiiral na programa na ipinatutupad ng DDB katuwang ang Philippine National Police at mga lokal na pamahalaan. Sa ilalim ng administrasyong Lacson-Sotto, palalawigin ang programang ito bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang istratehiya upang masugpo ang problema sa iligal na droga.