Clavano

Paglaban sa human trafficking tinututukan ng Marcos admin

172 Views

PAIIGTINIGN ng administrasyong Marcos ang kampanya laban sa human trafficking upang mapanatili ang Tier 1 ranking ng Pilipinas sa US State Department.

Ang Tier 1 ranking ang pinakamataas na klasipikasyon na ibinibigay ng US State Department na indikasyon na nakasusunod ang isang bansa sa pamantayan na itinakda sa paglaban sa human trafficking.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na inaasahan na mapag-uusapan ang human trafficking sa 43rd ASEAN Summit na gaganapin sa Jakarta, Indonesia sa Setyembre at nabigyan na ng briefing ang Pangulo kaugnay nito.

“In fact, he has given specific instructions to maintain our Tier 1 ranking. That means he will support all the facets and all the programs that the IACAT has already put in place and he would like to enhance those programs,” sabi ni Clavano.

Sinabi ni Clavano na inilabas ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang 2023 Revised Inter-Agency Council Against Trafficking Guidelines on Departure Formalities for International-bound Filipino Passengers na makatutulong umano sa paglaban sa human trafficking.

Ang Pilipinas ay nakapasok sa Tier 1 noong 2022.