DepEd

Mahigit 21M naka-enroll na para sa darating na pasukan

Arlene Rivera Aug 27, 2023
132 Views

MAHIGIT 21 milyong estudyante na ang naka-enroll para sa paparating na School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa Learner Information System ng DepEd, noong Biyernes, Agosto 25, ay 21,029,531 na ang naka-enroll sa elementarya at high school sa buong bansa.

Ang Region 4A ang may pinakamaraming enrollees na umano sa 3,323,943, na sinundan ng National Capital Region na may 2,437,041 at Region 3 na nakapagtala ng 2,394,421.

Sa Martes na magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ang mga pribadong paaralan naman ay pinapayagan na hindi sumabay subalit dapat masunod ang itinakdang panuntunan ng DepEd.