BSP

Basic Deposit Accounts lumobo ng 170%– BSP

187 Views

LUMOBO ng 170% ang bilang ng mga Basic Deposit Account (BDA) sa bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang BDA ay mga savings account na ang paunang deposito ay P100 lamang. Binuksan ng BSP ang programa upang mas maraming Pilipino ang mahimok na magbangko.

Batay sa ulat ng BSP, nasa 21.9 milyon na ang bilang nga mga BDA sa unang quarter ng 2023, malayo sa 8.1 milyon na naitala noong unang quarter ng 2022.

Ang kabuuang halaga naman ng mga BDA ay P27 bilyon o 432 porsyentong mas mataas sa P5.1 bilyon na naitala sa unang quarter ng 2022.

Malaki umanong bahagi ng BDA ay mula sa pagbubukas kaugnay ng Philippine Identification System (PhilSys).

Mayroon din umanong limang bagong bangko na nag-aalok na ng BDA.