Rubio

Planning and Systems Dev’t Service ng BOC pasado sa system audit

128 Views

PASADO na ang Planning and Systems Development Service (PSDS) ng Management Information System and Technology Group (MISTG) ng Bureau of Customs sa internal management system audit na isinagawa ng Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO).

Ito ay isang malaking hakbang patungo sa pagnanais ng ahensya na makakuha ng International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 certification na patuloy ng magandang serbisyong naibibigay nito.

Nais ng MISTG na maging 100 porsyento ang digitalization ng lahat ng proseso ng BOC na isa sa 5-Point Priority Programs ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Ang dalawang araw na system audit na nagsimula noong Setyembre 6 ay dinaluhan ng mga empleyado ng PSDS management at mga empleyado nito na pinamumunuan ni Service Director Jeoffrey Tacio, CESO IV kasama ang mga hepe ng System Development Division (SDD) na si Liberty B. Plana at Planning and Management Information Division (PMID) na si Patrick Errol C. Espallardo.