Hernando

Korte Supremo target ilabas resulta ng bar exam bago mag-Pasko

179 Views

RESULTA ng bar exam ilalabas bago mag-Pasko

Target ng Korte Suprema na ilabas bago mag-Pasko ang resulta ng 2023 Bar examination.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, Chairperson ng 2023 Bar Examinations, bukod sa paglalabas ng resulta ay isasagawa rin ang oath-taking at signing of the Roll of Attorneys bago mag-Pasko.

Sa 10,791 Bar applicant, kumuha ng pagsusulit ang 10,400 noong Setyembre 17, ang unang araw ng pagsusulit o 96.38 porsyento ang naging turnout.

“I am proud to say that the first day of the 2023 Bar Examinations is a smashing success. The Court and its 2,310-strong Bar personnel have vigilantly stood watch over our 2023 Bar Examinees and ensured the safe, peaceful, and orderly conduct of the exams. Let us all hope and pray that this would continue until the last day of the Bar,” ani Justice Hernando.

“To all of my 2023 Bar Examinees, I salute you for powering through the first Bar day. There are only two Bar Examination days left. You can do it! I look forward to warmly welcoming you to our profession before Christmas day,” dagdag pa ni Justice Hernando.

Si Justice Hernando ang nangasiwa sa pagsasagawa ng digitalized at regionalized Bar Examinations mula sa 2023 Bar National Headquarters sa San Beda College Alabang sa Muntinlupa City.