LRMC

Biyahe ng mga tren sa LRT-1 daragdagan

242 Views

MAGDADAGDAG ng biyahe ng mga tren sa Light Rail Transit Line 1 simula sa Oktobre 1.

Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operaytor ng LRT-1, magdaragdag ng biyahe upang mas maraming pasahero ang makasakay.

Ang kasalukuyang 410 biyahe kada araw kapag weekdays ay itataas sa 460 biyahe.

Sa kasalukuyan kapag weekend ay mayroong 293 trips. Kapag Sabado gagawin na itong 331 at 307 naman kapag araw ng Linggo.

Ayon sa LRMC pitong Generation-4 train sets na ang bumibiyahe sa mainline. Umabot na umano sa 23 train sets ang ginagamit sa LRT-1.

Ang biyahe kapag weekdays ay nagsisimula ng alas-4:30 ng umaga mula Baclaran Station at Fernando Poe Jr. station. Ang huling biyahe naman ay aalis sa Baclaran ng 10 ng gabi at 10:15 ng gabi naman ang galing sa FPJ Station.

Kapag weekends, ang biyahe sa magkabilang direksyon ay nagsisimula ng alas-5 ng umaga. Ang huling biyahe mula sa Baclaran ay alas-9:30 ng gabi at 9:45 ng gabi naman ang galing ng FPJ station.