Frasco1

Turistang bumisita sa bansa lagpas 4M na

Mar Rodriguez Sep 29, 2023
160 Views

MAHIGIT apat na milyon na ang mga turistang bumisita sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), mula Enero 1 hanggang Setyembre 29 ay 4,005,465 turista na ang bumisita sa bansa. Nasa P316 bilyon umano ang naiambag nito sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na malapit na ito sa 4.8 milyong turista na target ng bansa ngayong taon.

Sa mga turistang bumisita sa bansa 91.58 porsyento o 3,668,039 ang dayuhan at ang nalalabi naman ay mga overseas Filipino.

Mga taga- South Korea ang pangunahing bumisita sa Pilipinas (1,046,176), sunod ang mga taga-Estados Unidos (679,090), Japan (221,671), China (194,258), at Australia (187,143).