COE

Task force iimbestigahan procurement ng 2016 automated election system

139 Views

ISANG fact-finding task force ang binuo ng Commission on Elections (Comelec) upang suriin ang mga kontrata at iba pang impormasyon kaugnay ng pagbili ng automated election system (AES) machines noong 2016.

Ang imbestigasyon ay gagawin matapos lumabas ang ulat na si dating Comelec Chairman Andy Bautista ay nahaharap sa kasong money laundering sa Estados Unidos dahil sa umano’y pagtanggap ng $4 milyon mula sa isang kompanya.

Itinanggi ni Bautista ang alegasyon.

“On the part of the Comelec, at lalong lalo na po ang inyong lingkod, nag-create po agad tayo ng isang task force, chairman’s task force, to investigate whatever had happened nu’ng panahong pinag-uusapan at sinasabi,” ani Garcia.

Kasama umano sa isasagawang imbestigasyon ang pagtukoy sa mga sinasabing ebidensya lalo at wala pa namang isinasagawang pagdinig sa korte sa Amerika.