Calendar
Kamara sang-ayon kay ex-PRRD
Na paggastos sa pondo ng gov’t dapat ‘transparent’– Velasco
SUPORTADO ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez, ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat “transparent and fully auditable” ang paggamit ng pondo ng gobyerno.
Sa pahayag na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco sinabi nito na walang confidential at intelligence funds ang Kamara.
“The House has no confidential and intelligence funds. All line items in our budget are subject to regular accounting and auditing rules and regulations. Laging bukas po ang aming libro sa Commission on Audit,” sabi pa ni Velasco.
Batay sa inilabas na report ng Commission on Audit (COA) noong Oktobre 2, wala umanong disallowance ang Kamara de Representantes.
“No notice of suspension and no notice of charge,” giit ni Velasco. “Ibig pong sabihin, pasado kami sa COA audit.”