Calendar
Panahon ni ex-PRRD nang lumobo confidential, intel funds — solon
PANAHON ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng lumobo ng 900 porsyento ang confidential and intelligence fund (CIF) ng Office of the President (OP).
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang pangulo ng Liberal Party, ginawang P4.5 bilyon ni Duterte ang CIF noong siya ang Pangulo.
Ito ay mula lamang sa P500 milyon noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
“It was during the time of former President Rodrigo Duterte when the CIF of the President ballooned to P4.5 billion from only P500 million during the time of President Benigno Aquino III or 900% increase,” sabi ni Lagman.
Ayon kay Lagman, noong si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Pangulo, ang CIF ng OP ay P600 milyon lamang.
Nananawagan si Lagman na ilipat ang confidential fund ng mga civilian agency o mga ahensya na ang pangunahing mandato ay walang kinalaman sa national security sa ibang programa ng gobyerno na magbebenepisyo ang publiko.