Calendar
CCBI ilalaban para ma-amiyendahan ang “Custom Modernization and Tariff Act of 2016”
NANININDIGAN ang National President ng Chamber of Customs Brocker Inc. (CCBI) na si Anthony “Doc Tony” A. Cristobal na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang Republic Act No. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act of 2016”.
Sa exklosibong panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Cristobal na dumudulog sila kay Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development at lisensiyadong Customs Brocker, upang tulungan ang CCBI na tuluyang mawala ang probisyon ng batas sa pamamagitan ng legislative amendments patungkol sa pagtatalaga sa isang “atty-In-fact”.
Nabatid kay Cristobal na sa pagbabalik ng session sa Kamara de Representantes, inaasahan na magbibigay ng privilege speech si Valeriano upang ilahad ang sentimyento ng kanilang grupo patungkol sa pagtatalaga sa isang “attorney-In-fact” na sumasaklaw umano sa trabaho ng isang licensed customs broker.
Inilahad din ni Cristobal na noong 2004 ay nilikha at isinabatas ang “Customs Brokers Act” sa ilalim ng Republic Act No. 9280. Kung saan, tanging ang mga lisensiyadong brockers lamang ang may karapatang pumirma para sa mga pumapasok na imports declaration na dumadaan naman sa Bureau of Customs (BOC). Subalit ito’y inamiyendahan noong 2016.
Ayon kay Cristobal, noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay inamiyendahan ang batas kung saan pinapayagan ng pumira sa mga dokumento kahit walang presensiya ng licensed broker.
Sinabi naman ni Professional Regulatory Board for Customs Brockers Chairperson Samuel “Sam” C. Bautista na ang isa sa mga napagkasunduan ng CCBI ay ang pagsusulong para magkaroon ng legislative amendments kaugnay sa mga komplikado at hindi malinaw na detalye ng batas.
“Ang isa sa napagkasunduan ng CCBI ay iyong isulong talaga ang legislative amendments duon sa mga conflicting at hindi malinaw na detalye. Unang una iyong nakasulat na attorney-In-fact. Kasi ang gusto natin ay mabigyan ng proper classification at qualification ano ba yung attorney-in-fact para sa isang lisensiyadong broker?” paliwanag ni Bautista.
Sinabi pa ni Bautista tinanggal na sa Republic Act. No 9280 o Customs Brockers Act ang pagtatalaga sa attorney-In-fact sa layuning maging professionalize ang trabaho ng mga licensed customs broker. Kung saan, muli na naman itong ibinalik noong 2016 sa ilalim ng “Customs Modernization and Tariff Act of 2016”.
“Yun po kasing attorney-In-fact dati na iyan sa lumang batas na Tariff and Customs Code tapos nagkaroon ng Republic Act 9280 o yung Custom Brockers Act na nawala na itong attorney-in-fact kasi pinapo-professionalize yung customs Brockers practice. Noong 2016 ay bumalik ang attorney-in-fact,” sabi pa ni Bautista.