Calendar
Metro
Mag-kumpare nagtalo nauwi sa gripuhan, 1 patay
Melnie Ragasa Jimena
Apr 10, 2025
506
Views
TODAS ang lalaking nakipagtalo sa kanyang kumpare sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), naganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City bandang alas-9:00 ng gabi.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Erwin Jay Mendez, isang residente ang nagsabi na nakita niyang nagtatalo ang biktima at suspek.
Biglang bumunot umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib saka tumakas sakay ng motorsiklo.
Dinala ang biktima sa Quezon City General Hospital pero namatay din bandang alas-9:36 ng gabi.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

